Sabado, Nobyembre 19, 2022

EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG


Ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay humahamon sa tao na manatiling maayos sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Napakahalaga ng paggamit ng angkop na salita sa pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba. Sadyang ang salitang ginagamit ng tao ay tunay na repleksiyon ng sariling pagkatao.

Alam mo ba na maraming paraan para mapaganda at maging katanggap-tanggap ang mga pahayag? Tunghayan mo ang susunod na talakayan.





Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag.  Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan ang mga ito ng eupemismo.



Sabado, Agosto 13, 2022

Pakikipanayam

 


Ang Panayam ay isang pakikipag-usap sa tao na may likas at malawak na karanasan at kaalamang sa sariling larangan o disiplinang pinagkakadalubhasaan. Nakasaad din dito ang tiyak na layunin kung saan nakukuha ng mga makabagong impormasyon at kaalamang akademiko Mga uri ng tanong na gagamitin sa Pakikipanayam.

1. Saradong tanong ay sumasagot lamang ng Oo or Hindi o may pamimilian o tiyak ang kasagutan. Sa ganitong uri ng tanong, ang tagapanayam ay makakakuha ng maraming impormasyon sa maikling panahon. Ganunpaman, hindi ito nagbibigay ng pagkakataon sa taong kinakappanayam upang makapagbigay ng mga karagdagan o boluntaryong impormasyon.

 Halimbawa: 

  • “Ano naman po ang natapos ninyong kurso?”
  • “Kaya mo bang magtrabaho kahit sa gabi?” 
  • “Saan po kayo nagtapos ng kurso?” 

2. Bukas na tanong ay walang restriksyon. Ang taong kinakapanayam ay nabibigyan ng higit na kalayaang sumagot sa mga tanong. Sa ganitong uri ng tanong, natutuklasan ng tagapanayam ang pananaw, pagpapahalaga at layunin ng kaniyang kinakapanayam. 

Halimbawa: 

  • “Ano po ang masasabi ninyong pagpapahalaga ng pamahalaan sa ating wikang pambansa?” 
  • “Gaano po kayo kahanda bilang punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino? 
  • “Bilang guro sa asignaturang Filipino, ano po ang programang maari po ninyong ilunsad kaugnay ng pagpapahalaga sa wikang pambansa-Filipino?” 

3. Primary questions ay ang mga tanong na inihanda bago pa man isigaw ang aktuwal na pakikipanayam. Ang mga tanong na ito ay nagsisilbing pangunahing puntos sa balangkas ng pakikipanayam.  Ang primary ay maaaring sarado gaya ng:

 Halimbawa:

  • “Mahal mo ba ang wika mo?”
  • “Nagpapahalaga ka ba sa wikang pambansa?”
  •  “Ano naman ang masasabi mo tungkol sa pagkalito ng kabataan ng paggamit ng wikang pambansa?”
  • “Ano ang iyong pananaw sa ginawang pagpapahalaga ng pamahalaan sa wikang pambansa?”

 4. Secondary questions ay mga tanong na ibinatay sa mga sagot ng kinakapanayam. Ang mga tanong na ito ay binubuo ng nagpapanayam habang nagpapatuloy siya sa pakikipanayam.

May ilang secondary questions na humihikayat sa kinakapanayam na magpatuloy sa kaniyang pagsalita, tulad ng

  • “Pagkatapos noong 1935, ano ang nangyari sa wikang pambansa?”
  •  “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” 
  • “Maari po bang pakiulit sa sinasabi ninyo?”
  • ”Paumanhin po, maari po bang humihingi ng iba pang sagot bilang karagdagan?