Activities and Performance Tasks

 GAWAING PAGKATUTO

FILIPINO 8
(Kwarter 4 – Linggo 5, 6 at 7)

MGA PAGSASANAY/GAWAIN

Pangkalahatang Panuto:
Ang mga pagsasanay sa ibaba ay naihahati-hati ayon sa bilang ng SLK. Ito aynaisusunod-sunod mula SLK 1 hanggang SLK6. Ang mga pagsasanay sa bawat SLKay may kani-kaniyang kasanayang pampakatotong nililinang. Nararapat lang nabasahin ang panuto sa bawat bilang ng SLK at intindihin itong mabuti upangmakapagbigay ng akmang tugon.

A. SLK 1/MODYUL 1: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA


Panuto: 
Basahin ang mga pahayag at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang titik sa napiling sagot sa sagutang papel. (10 puntos)
 
 
1. Ano ang nadarama ni Balagtas sa taludturang: “Ngayong namamanglaw sa pangungulilaang ginagawa kong pang-aliw sa dusa?”
A. Nalulungkot
B. Nagtatampo
C. Nasasabik
D. Nawawalan ng pag-asa
2. Bakit mahalagang pag-aralan ng kabataang Pilipino maging sa kasalukuyang panahonang akdang Florante at Laura?
A. Nagbibigay libangan at aliw sa mga babasa nito.
B. Naglalahad ng katotohanan sa mga kabataang Pilipino.
C. Nagdudulot ng magandang pananaw sa mga mamamayang Pilipino.
D. Masasalamin ang kasaysayang pangyayari sa lipunan na maiugnay sa kasalukuyangpanahon na napupulutan ng magagandang aral sa mga kabataan.
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naganap sa kalagayang lipunan sa panahongnaisulat ang akdang Florante at Laura?
A. Karamihan sa mga nagsisulat sa panahong ito ay gumagamit ng wikang Espanyol. 
B. Naging maluwag, makatarungan at makatao ang ginawang pamamahala ng mgaEspanyol sa ating bansa.
C. Nakadama ng paghihimagsik ang mga Pilipino sa kalupitan at pagmamalabis ng mgadayuhang sumakop sa bansa .
D. Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong iyon ay tungkol sa relihiyon atpaglalaban ng mgma Kristiyano at Moro.
4. Ano ang layunin ng pagsulat ng akdang Florante at Laura?
A. Maihayag ang saloobin, pananaw at opinyon para sa sariling kagustuhan.
B. Maisalin ng kanyang akda sa iba’t ibang wika at mabasa sa iba’t ibang bansa. 
C. Makabenta ng marami at yumaman sa pamamagitan ng benta ng kanyangkamatayang akda.
D. Makabuo ng isang akdang maiaalay kay “ Selya” o kay Maria Asuncion Rivera, angbabaeng minahal niya nang labis.
5. Ano ang nadarama ni Balagtas sa taludturang: “Ngayong namamanglaw sa pangungulilaang ginagawa kong pang-aliw sa dusa?”
A. Nalulungkot
B. Nagtatampo
C. Nasasabik
D. Nawawalan ng pag-asa
6. Ano ang tunay na pangalan ni Francisco ?
A. Franco Dela Cruz Balagtas
B. Francisco Dela Cruz Balagtas
C. Francisco Balagtas
D. Franco Balagtas
7. Idol n talaga kita. Sana ay dumami pa ang mga katulad mo na di masilaw sa datungatmas win pa din ang Pinas kesa sa ibang maunlad na bansa. Ano ang ibig sabihin ngsalitang nakasalungguhit bilang wika ng kabataan?
A. pera
B.ganda
C. talino
D. pag-ibig
8. Naku, di ko kering iwan ang mga jologs Kong frendz and family besh. Ang mga salitang nakasalunnguhit ay wika ng mga ________________.
A. Kabataan
B. Kalalakihan
C. Kababaihan
D. Matatanda
9. Sumakabilang buhay na ang haligi ng kanilang tahanan. Nasa anong antas ng wika angpaggamit sa naunang pahayag?
A. balbal
B. kolokyal
C. pagkamalikhain
D. lalawiganin
10. “may mahahagilap pa kayang natititik liban na kay Celiang namugad sa dibdib?” Alin ang konotatibong (malalim/malikhaing) pagpapakahulugan sa salitang nakapula?
A. nasusulat
B. naimprinta
C. natira
D. natatanaw

 

6 B. SLK 2/MODYUL 2: URI NG TAYUTAY

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyongsagutang papel.

1. Alin ang HINDI mahalagang pangyayaring nakalahad sa saknong na nakapaloob sa Kabanata 1- “Gubat na Mapanglaw?”
A. Ang pakikipag-usap ni Florante sa namayapang ina at pinakamamahal na ama.
B. Labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni Adolfo.
C. Pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng kanyang pagkabata.
D. Nadaramang panibugho ni Florante sa inaakalang kasiyahan nina Adolfo at Laura.
2. Alin ang HINDI mahalagang pangyayaring nakalahad sa saknong mula sa Pag-aalay KaySelya?
A. Ang pag-alala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ngpinakamamahal niyang si Selya
B. Pagpapakasal nina Balagtas at Selya
C. Paglikha ng walang kamatayang awit bunga ng labis na kalungkutan dahil sa kabiguan sa pag-ibig
D. Paghahandog ng tula kay MAR
3. Ano ang pangunahing kaisipang taglay ng saknong na ito mula sa Kabanata 1- Gubat naMapanglaw?
A. Kapag may pinagdaraanang problema ay humingi ng tulong sa nakaalam ng lahat ngbagay, ang Diyos.
B. Huwag mawalan ng pag-asa kapag hindi na kaya ang pinagdaraanangproblema.
C. Lahat ng suliranin ay may solusyon.
D. lahat ng nabanggit
4. Ano ang pangunahing kaisipang taglay ng saknong na ito? 
“Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
  Ang ginagawa kong pag-aliw sa dusa,
  Nagdaang panaho’y inaalala,
  Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa”
A. Ang pagpapakasal nina Balagtas at ni Selya.
B. Ang pagdudusa ni Florante sa kamay ni Adolfo.
C. Ang paglikha sa walang kamatayang awit bunga ng labis na kalungkutandahil sa kabiguan sa pag-ibig.
D. Ang pag-aalaala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ngpinakamamahal niyang si Selya.
5. Ang mga syerpe’t basilikong gumagala sa gubat. Ano ang sumisimbolo sa mga salitangsinalungguhitan?
A. Mananakop na nag-aabang upang makagawa nang masama sa mga Pilipino.
B. Mababangis na hayop gubat na anumang oras ay handing sumila opumatay.
C. Sakit o karamdamang maaring dumapo sa sinuman.
D. Kaibigang pinagtitiwalaan na magtataksil sa likuran.
6. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na madilim at mapanglaw na gubat?
A. Ang mga lugar sa Pilipinas na ginawang tirahan ng mga Espanyol.
B. Ang malalabong na kagubatan na nakapalibot sa bansa sa panahong iyon.
C. Ang mga gawain ng mga criminal na nakahahadlang sa pag-unlad ngsambayanan.
D. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahon ngpananakop ng mga Espanyol.
7. Ano ang pagpapakahulugan ng pahayag na “Ang balang bibig na pinagmumulan ngkatotohan?”
A. ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento tungkol sa buhay ng may buhay.
B. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sapagmamalabis ng mga mananakop.
C. Ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilangpamumuno sa bansa.
D. Ang mga bata na di mapipigilan sa pagsasabi ng totoo.
8. Ano ang ibig sabihin ng matalinghagang salita na nakasalungguhit sa saknong?
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi, Kaliluha’y siyang nangyayaring hari.”
A. Katotohanan
B. Kagandahan
C. Kataksilan
D. Kabaitan
9. Anong uri ng tayutay ang sumusunod na saknong?

“Makinis ang balat at anaki’y burok,
Pilik-mata’t kilay mistulang balantok.” 
A. Pagtutulad
B. Pagwawangis
C. Pagsasatao
D. Pagmamalabis
10. Gumuho ang mundo ni Florante nang malaman niyang si Laura ay napasa-kamay niAdolfo. Anong uri ng tayutay ang pangungusap?
A. Pagtutulad
B. Pagwawangis
C. Pagsasatao
D. Pagmamalabis

 

 C. SLK 3/MODYUL 3: MONOLOGO
Panuto: Basahin ang mga pahayag at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang titik sa napiling sagot sa sagutang papel. (10 puntos)

1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pagbubuod sa ideya sa saknong sa ibaba?kung pagsaulang kong basahin sa isip ang nangakaraang araw ng pag-ibig, may mahahagilap kayang natititik liban na kay Celiang namugad sa dibdib?
a. Kung babalikan ang nakaraan, wala nang ni isang alaala ang nabubuhay pa.
b. Isang paraan na lang sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan ay ang pagbabasa nito.
c. Kung babalikan ng persona ang nakaraang pag-ibig, si Celia lamang ang naaalala.
d. Lumiban pa rin si Celia kahit ito ay namugad na sa kaniyang puso.
2. Anong uri ang cipres at higuera batay sa pagkakalarawan sa ibaba?karamihay, Cipres at Higuerang kutad, na ang lilim niya’n ay nakasisindak ito’y walang bunga’t, daho’y, malalapad, na nakadidilim sa loob ng gubat.
a. ulap                     c. bulaklak
b. halimaw             d. puno
3. Anong katotohanan ang masasalamin sa saknong na ito?
Mahiganting langit bangis mo’y nasaan?
Ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay
Bago’y ang bandila ng lalong kasam-an
sa Reinong Albania’y, iwinawagayway
a. Ang kasamaan ay naghahari sa Albania.
b. Wala ng gulay sa mga harden sa Reynong Albania.
c. Naghari muli ang kabutihan sa Reynong Albania.
d. Kahit na luma na, iwinagayway pa rin ang bandila ng Reynong Albania bilang pagpapakita ngpagmamalaki nito.
4. Alin ang angkop na paglalarawan sa taong nakaupo sa trono sa saknong na ito?Ngunit ang lilo’t masasamang loob sa trono ng puri ay inaluluklok at sa balang sukob na may asal hayop mabangong insenso ang isinusuob.
a. Mabuting puri
b. mapagbalat-kayo
c. Mabango
d. masama ang pakiramdam
5. Ano ang nais mangyari ng persona sa saknong na ito?
Makapangyarihang kanan mo’y ikilos
papamilansikin ang kalis ng poot,
sa Reinong Albania’y kusang ibulusok
ang iyong higanti sa masamang loob 
a. Hayaan ang persona na maghigante sa Albanya
b. Ibagsak ng kalangitan ang galit nito sa mga mananakop sa Albanyac. Bigyan sa ng kapangyarihan mula sa langit upang makapaghiganti
d. Dahil sa kanyang sama ng loob, maghihiganti siyang muli sa Albanya.
6. Anong damdamin ang nangingibabaw sa persona sa saknong na ito?
Bakit kalangita’y bingi ka sa akin
ang tapat kong luhog ay hindi mo dingin?
di yata’t sa isang alipusta’t ilang
sampong tainga mo’y ipinangungulang
a. tuwa
b. lungkot
c. pagsisisi
d. galit
7. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagbubuod sa saknong na ito?
Bakit kalangita’y bingi ka sa akin 
ang tapat kong luhog ay hindi mo dingin? 
di yata’t sa isang alipusta’t ilang
sampong tainga mo’y ipinangungulang
a. Tila hindi dinidinig ng kalangitan ang kahilingan ng persona.
b. Sadyang mapang-alipusta ang kalangitan
c. Nagiging matapat pa rin ang kalangitan kahit minsan nagbibingi-bingihan siya nito.
d. Wala sa kahit ano mang nabanggit.
8. Alin sa mga sumusunod ang akmang pagbubuod sa saknong na ito?
At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,
Malawak na luhang aking tinatawid
gunita ni Laura sa naabang ibig
siya ko na lamang ligaya sa dibdib.
a. Inaaliw na lang ng persona ang kanyan sarili sa pagpupunta sa laot.
b. Nais ng persona na kitilin ang kanyang buhay sa laot.
c. Ginugunita ng persona ang panahon siya at si Laura ay masaya sa laot.
d. Alaala na lang ni Laura ang nagpapasaya sa kaniya.
9. Anong katotohanan ang mahihinuha sa saknong na ito?
Sa sinapupunan nang Conde Adolfo
aking natatanaw si Laurang sinta ko,
kamataya’y nahan ang dating bangis mo?
nang di ko damdamin ang hirap na ito.
a. Nagdadalang tao si Laura at ang ama ay ang nakagapos na binata
b. Nagdadalang tao si Laura at ang ama ay si Conde Adolfo
c. Natatanaw na ng binata si Laura na paparating mula sa malayo
d. Pinagpalagay ng persona na si Laura ay pag-aari na ni Conde Adolfo 

10.Ano ang nangyari sa persona sa saknong na ito?

Dito hinimatay sa paghihinagpis
sumuko ang puso sa dahas nang sakit
ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis
ginagapusang kaho’y nadilig
a. Sumuko na kay Conde Adolfo
b. Nawalan ng malay
c. Patuloy sa pag-iiyak
d. Nagbigti sa puno ng kahoy

 

D. SLK 4/MODYUL 4: NANGHIHIKAYAT AT DAMDAMIN 

A. Panuto: Piliin ang angkop na salitang nanghihikayat na bubuo sa pahayag. Isulat ang titik ng sagot gilid ng numero.

   A. siguradong         B. dahil sa            C. dapat                D. hindi             E. totoong 

1. _________ magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki. 
2. Galit si Adolfo kay Florante, ___________ malaki ang inggit niya sa binata. 
3. _________ mapagmahal na ama si Duke Briseo.
4. _________ ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at kultura.
5. Nang _____________ gamot na ito, kami ay gumaling sa aming mga sakit. 


B. Panuto: Suriin kung anong damdamin ang inilalahad ng tauhan. Isulat ang titik ng sagot gilid ng numero.

A. pagmamalasakit       B. paghanga     C. paglungkot         E. pagkatakot    D. pagpapakumbaba


1. Dito napangiti ang Morong kausap, 
sa nagsasalita'y tumugong banayad; 
aniya'y "Bihirang balita'y magtapat, 
kung magkatotoo ma'y marami ang dagdag.”
 
2.  Sagot ni Florante, "Huwang ding maparis
 ang gererong bantog sa palad kong amis; 
at sa kaaway ma'y di ko ninanais
 ang laki ng dusang aking napagsapit. 
 
3. "Humihinging tulong at nasa pangamba, 
ang Krotonang Reyno'y kubkob ng kabaka; 
ang puno ng hukbo'y balita ng sigla
 Heneral Osmalik na bayaning Persya. 
 
4. "Kung sa katapanga'y bantogsi Aladin, 
may buhay rin namang sukat na makitil; 
iyong matatantong kasimpantay mo rin
sa kasam-ang-palad at dalang hilahil." 
 
5.  "Ayon sa balita'y pangalawa ito 
ng Prinsipe niyang bantog sa sangmundo 
Alading kilabot ng mga gerero, 
iyong kababayang hinahangaan ko."
 

E.  SLK 5/MODYUL 5: 

DAMDAMIN AT MOTIBO 

Panuto: Tukuyin ang damdamin na ipinahihiwatig ng bawat larawan. Piliin ang titik ngtamang sagot sa loob ng kahon. 


6. Sa akdang Florante at Laura, sino ang nagpapatay kay Duke Briseo na ama ni Florante?
a. Aladin 
b. Selya
c. Adolfo  
d. Haring Linseo 

7. Huwag mong ninanasa ang hindi sa iyo. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. hinihintay 
b. hinahangad
c. sinasabi  
d. tinatangis 

8. Ang mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng matinding damdaminmaliban sa: 
a. Yahoo! Pasado ako, Yehey! Yipee! 
b. Mabuti naman at narito na kayo. 
c. Wow! Perfect ang iskor mo.Naks! Ganda! Bilib ako!
d. Ha? Nakakahiya.Inay! Naku po!

9. Alin sa mga sumusunod ang bantas na ginagamit sa mga pangungusap nanagpapahayag ng matinding damdamin? 
a. padamdam (!) 
b. tuldok (.)
c. kuwit (,) 
d. kudlit (‘)

 10. Ito ay dahilan para gawin ang isang bagay, pakay o pagnanais.
 a. paraan 
 b. resulta
 c. kondisyon  
 d. motibo
 
F. SLK 6/MODYUL 6: RADIO BROADCASTING
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaunang hakbang sa pagsasagawa ng RadioBroadcasting? 
a. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang co-anchor. 
b. Maghanda ng mga awiting patutugtugin sa pagbo-broadcast.
c. Pumili ng pangalan para sa estasyon. 
d. Maging magalang sa pagtatapos ng broadcast. 

2. Bakit kinakailangang maging maging maingat sa mga salitang gagamitin sa pagbobroadcast? 
a. Upang magkaroon ng maraming tagapakinig 
b. Dahil iba-iba ang kanyang mga tagapakinig 
c. Para mapakita ang kanyang kahusayan sa pagsasalita 
d. Wala sa mga nabanggit 

3. Ano ang pinakahuling hakbang sa pagsasagawa ng Radio Broadcasting?
a. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang co-anchor. 
b. Maghanda ng mga awiting patutugtugin sa pagbo-broadcast. 
c. Pumili ng pangalan para sa estasyon.
d. Maging magalang sa pagtatapos ng broadcast. 

4. Bakit kinakailangang ngumiti habang nagsasalita ang broadcaster?
a. Para kapag narinig ka ng iba ay tila nakangiti rin ang boses na naririnig nila
b. Upang malaman ng mga tagapakinig na ikaw ay masayahing tao
c. Upang magkaroon ng maraming tagapakinig 
d. Wala sa mga nabanggit 

5. Alin sa mga sumusunod ang DAPAT gawin sa pagbo-broadcast?
a. Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang erpat, ermat,bebot, atbp. 
b. Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na nakaphone patch habangnagbo- broadcast ay makabubuting sigawan mo siya upang malaman niyang galit ka.
c. Magsalita nang malumanay at malinaw para higit kang maunawaan. 
d. Sumigaw habang nagbo-broadcast upang marinig ng lahat. 

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nararapat gawin ng isang broadcaster?
a. Maging magalang sa lahat ng tagapakinig 
b. Dapat iparamdam sa mga tagapakinig na ikaw ay napipikon o galit
c. Kinakailangang malumanay ang pagsasalita 
d. Maging palakaibigan sa mga tagapakinig 

7. Kailan sinasabi ng broadcaster ang pahayag na, “Para sa detalye magbabalita sa radyoekspress, Hanz Baldono….?” 
a. Maririnig matapos ang balita. Ipinababatid kung anong produkto ng sponsor angnaghatid ng balita. 
b. Ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas. 
c. Pagpapapasok ng anchor sa isang reporter para magsimulang mag-ulat. 
d. Panapos na pahayag ng anchor o tagapagbalita sa kanyang programa. 

8. Kailan inilalahad ng broadcaster ang pahayag na, “Magbabalik ang ating palatuntunanmatapos ang ilang paalala?” 
a. Maririnig matapos ang balita. Ipinababatid kung anong produkto ng sponsor angnaghatid ng balita.
b. Ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas. 
c. Pagpapapasok ng anchor sa isang reporter para magsimulang mag-ulat. 
d. Panapos na pahayag ng anchor o tagapagbalita sa kanyang programa. 

9. Kailan ginagamit sa isang radio broadcast ang pahayag na, “Ang programang ito ayinihahatid sa inyo ng Dunkin Donut, ang pasalubong ng bayan?” 
a. Panapos na pahayag ng anchor o tagapagbalita sa kanyang programa. 
b. Maririnig matapos ang balita. Ipinababatid kung anong produkto ng sponsor angnaghatid ng balita. 
c. Pagpapapasok ng anchor sa isang reporter para magsimulang mag-ulat. 
d. Mapapakinggan pagkatapos ng ilang patalastas. 

10. Kailan ginagamit sa isang radio broadcast ang pahayag na, “At dito nagtatapos ang mga nagbabagang balita sa oras na ito…?” 
a. Panapos na pahayag ng anchor o tagapagbalita sa kanyang programa. 
b. Maririnig matapos ang balita. Ipinababatid kung anong produkto ng sponsor angnaghatid ng balita. 
c. Maririnig matapos ang balita. Ipinababatid kung anong produkto ng sponsor angnaghatid ng balita. 
d. Mapapakinggan pagkatapos ng ilang patalastas.





GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 8
(Kwarter 4 – Linggo 4)


GAWAING PAGGANAP 

Panuto: Sa bahaging ito, ikaw ay isang anchor o tagapagbalita sa radyo. Manonood ka ng ilang programang nagbabalita mula sa telebisyon at pagkatapos ay ilapat ang iyong mga natutunan sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang iskrip ng radio broadcast. Gawing gabay ang rubric na nasa ibaba.









GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 8
(Kwarter 4 – Linggo 3)


GAWAING PAGGANAP 

Panuto: Balikan mo ang iyong nakaraang karanasan, at gawan mo ito ng monologo. Ito ay walang restriksiyon sa damdamin. Maari kang magbahagi ng masaya, nakakatawa, o masalimoot na karanasan. (25 puntos)

May tatlong bahagi ang monologo:
a. pambungad / intro –       inilalahad dito ang layunin ng talumpati at  pagpukaw ng atensiyon ng           
                                           mambabasa 
b. katawan / body -            dito nakasaad ang pagpapatibay ng paksa 
c. katapusan / conclusion -makikita dito ang buod ng talumpati at pagbahagi sa    pinakamalakas na katibayan upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao.










GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 8
(Kwarter 4 – Linggo 2)


Kasanayang Pampakatuto:  Nakasusulat ng isang talumpati. 

Panuto: Gumuwa ng isang talumpati  na hihikayat sa iyong mga kapitbahay na iboto ang nararapat na kandidato sa inyong barangay dahil napakahalaga ng mga lider natin sa pag-unlad ng inyong lugar. Isulat ito sa buong papel. Gawing malinis. Kailangan nadoon ang tatlong bahagi ng talumpati. 

May tatlong bahagi ang talumpati:

a. pambungad / intro – inilalahad dito ang layunin ng talumpati at  pagpukaw ng atensiyon ng mambabasa 

b. katawan / body -      dito nakasaad ang pagpapatibay ng paksa 

c. katapusan / conclusion -     makikita dito ang buod ng talumpati at pagbahagi sa pinakamalakas na  katibayan upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao.















GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 8
(Kwarter 4 – Linggo 1)

Mga Kasanayang Pampagkatuto

(F8PN-IVa-b-33) Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda. 
(F8PB-IVa-b-33) Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito - pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng Akda.
(F8WG-IVa-b-35) Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang wika ng kabataan.




Ano ang dapat malaman?

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong 1838, panahon ng pananakop ng  mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito, mahigpit na ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabras na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol. Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kayaý sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyano na tinatawag ding komedya o moro-moro, gayundin ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika.

Ang relihiyon at ang paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ay siya ring temang ginamit ni balagtas sa kanyang awit bagama’t naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Ito ang dahilan kaya nagtagumpay siyang mailusot ang awit sa mahigpit na sensura ng mga Espanyol. Gumamit siya ng alegorya kung saan masasalamin ang mga nakatagong mensahe at simbolong kakikitaan ng pagtuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol gayundin ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga naganap na kaliluan, kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. 

Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos na “apat na himagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas. 
(1) ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan; 
(2) ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya; 
(3) ang  himagsik laban sa mga maling kaugalian;
(4) ang himagsik sa mababang uri ng panitikan. 

        Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra-maestra ng panitikang Pilipino at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon. Isinulat niya kasi ang kaniyang akda sa wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga Pilipinong manunulat ay nagsisulat sa wikang Espanyol. 


        Ang awit ay inalay ni Balagtas kay “Selya” o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan.sinasabing isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan siya nakulong dahil sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule. Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang naranasan ni Kiko sa lipunang kanyang ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya upang likhain ang walang kamatayang Florante at Laura. Ang awit ang nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at makasarili, gayundin ang pagpapaalaala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman. Ipinakita rin sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon ay sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano.
 
          Binigyang-halaga rin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan ni Flerida, isang babaeng Muslim na sa halip na sumunod lang sa makapangyarihang kalalakihan ay piniling tumakas mula sa mapaniil sa Sultan upang hanapin ang kaniyang kasintahan at siya pang pumutol sa kasamaan ng buhong na si Adolfo. Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino. Sinasabing si Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya’y naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere. Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901. 
Bagama’t napakatagal nang panahon mula nang isulat ni Balagtas ang awit ay hindi mapapasubaliang ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et.al

Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang- araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa mga impormal na salita.

1. Balbal (slang)- ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

Halimbawa:
Erpat - tatay
Tsikot - kotse
Sikyo - security guard
Lispu - pulis
Yosi         - sigarilyo

2.  Kolokyal (colloquial)- ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabul- gar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

Halimbawa:  
Pormal Kolokyal
Aywan - ewan
Piyesta - pista
Nasaan - nasan



Ano ang natutunan?





Gawain A. Pagbasa ng lunsarang teksto (Analisis)

1. Anong mga salita ang nakakuha ng iyong pansin sa tekstong binasa? (1punto bawat sagot)
2. Anong antas ng wika ang ginamit sa teksto? (2puntos)
3.Mahalaga ba ang paggamit ng pormal na antas ng wika sa pasalita at pasulat na komunikasyon? 
    Ipaliwanag (5puntos)

Gawain B. Panuto: Sagutin ang mga katanungan. (5pts. each)

1. Batay sa binasang teksto, magbigay ng inyong hinuha kung bakit mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura?
Sagot: _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Ilahad ang kalagayahan ng bansa sa panahong isinulat ang Florante at Laura?
Sagot: ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

3. Ano ang naging layunin ni Francisco Baltazar kung bakit niya isinulat ang awit na Florante at Laura?
Sagot: _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Gawain C. Maglahad ng sariling damdamin o saloobin sa kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan gamit ang mga sumusunod na wika ng kabataan: (2puntos bawat sagot)

a. Gora =         ____________________________________________________________
b. ewan =         ____________________________________________________________
c. keri =           _____________________________________________________________
d. Datung =     __________________________________________________________
e. dutertards/yellowtards =     ____________________________________________










FILIPINO 8 GAWAING PAGKATUTO

Ikatlong Kwarter, Linggo 5

       
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

                   F8PB-IIIg-h-32

  • Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
-paksa/ tema, layon,gamit ng mga salita, mga tauhan

 

F8PT-IIIg-h-32
  • Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula

Mga salitang ginamit sa mundo ng pelikula

Anumang bagay na ating nakikita , napapakinggan at napanonood ay may malaking implwensiya sa ating mga kaisipan,gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.

  Ang Pelikula,ay kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Samantalang ang Dokumentaryo ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa lipunan. Karaniwan nakatuon ito sa kahirapan o korapsyon, problema sa edukasyon at suliraning pang-ekonomiya at sa mga katiwalian.

Mga elemento ng Dokumentaryong pampelikula:

1. Sequence iskrip- tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ng kwento sa pelikula
2. Simematograpiya - paraan ng pagkuha ng wastong anggulo pang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.
3. Tunog at Musika-  pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga dayalogo.
4.  Pananaliksik o riserts-  mahalagang sangkap sa pagbuo at pagkalikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. Desenyong pamproduksyon-napapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na pagkukuwento
5. Pagdidirehe -  mga pamamaraan at diskarte ng diektor sa pagpapatakbo ng kwento sa pelikula.
6. Pag-eedit-  ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng estorya ng pelikula dahil may laang oras/ panahon ang isang pelikula.

 

Mga karaniwang uri ng anggulo at kuha ng kamera sa Pelikula

A. Establishing /long shot - tinawag itong” scene setting”. Mula sa malayo ay kinukuhaan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

B. Medium shot - kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwan ito sa mga senaryong may dayalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap o sa isang paaksyong detalye.
C. Close-Up shot - ang pokus ay  nasa isang partikular na bagay lamang. Hindi binigyan-diin ang nasa paligid. Hal. Pagpokus sa ekspresyon ng mukha; sulat kamay sa isang papel.
D. Extreme -close up - ang pinakamataas na lebel ng “ close up shot” ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close up. Halimbawa ang pokus ng mata ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.

E. High Angle Shot- ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.

F. Low Angle Shot - ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.

G. Birds Eye- view- Maaari ring maging isang “ aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at kabundukan na ang manonood at tila isang ibon na lumilipad sa himpapawid.

H. Panning shot - isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.


Panuto : Basahin ang pahayag sa bawat bilang  pagkatapos, piliin ang titik ng tamang sagot  sa ibaba isulat  ito sa patlang.

A. Sinematograpiya                           F. Sequence iskrip                     K. Establishing shot
B. Medium shot                                 G. Extreme -Cose Up                L. Pelikula
C.  Tunog at musika                           H. Pagdidirehe                          M. Panning shot
D.  Pananaliksik o resirts                    I. Close up shot                        N. Birds eye-view
E. High Angle shot                             J. Dokumentaryo                      O. Pag-eedit                                                           

__________1. Kilala din itong sine at pinilakang tabing
__________2. ito ay  tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa  Lipunan.
__________3. Tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ng kwento sa Pelikula 
__________4. kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
__________5. Pagpupputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama.
__________6. Ang pokus sa kamera ay nasa partikular na bagay lamang.
__________7. Elemento ng pelikula na nagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya nga mga diyalogo.
__________8. Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
__________9. Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo  upang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.
__________10. Mga pamamaraan at diskarte sa pagpapatakbo ng kwento sa pelikula.
__________11. Sa ibang termino ay tinawag itong “Scene Setting”.
__________12.Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
__________13. Ang pinakamataas na lebel ng “Close -up shot”. ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up.
__________14. Maari ring maging “aerial shot”.
__________15. Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan.


 







ACTIVITY SHEET  WEEK 6 
( IKATLONG MARKAHAN)
MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG



Isa pang mahalagang aspekto ng dokumentaryong pampelikula ay ang komunikatibong Paggamit ng mga pahayag o mga Uri ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit nating naipaunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kaniyang mga pananalita.

Mga Paraan ng Pagpapahayag:
Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa anumang layunin at
pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang mga sumusunod :
A. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin
1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.”  ( Pagtanggap )
2. “ Maaari kayang mangyari ang kahiyang mga hinala? ( Pag-alinlangan )
3. “ Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon.” ( Pagtanggi )
4. “ Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” ( Pagsang-ayon )
5. “ Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” ( Pagsalungat )


B. Pagpapahayag  at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita, at ipinadarama.


1. Pagbibigay-babala
“ Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” 
“ Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon .”
2. Paghihinayang
“ Sayang, tama sana ang aking kasagutan.’
“ Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon”
3. Hindi Pagpayag
“ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.”
“ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”

Gawain 1 :   Pahayag Ko, Tugon Mo

Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa itaas. Isulat sa patlang.


Mga Pagpipilian :

Pagtanggi                                    Pagsang-ayon                         Hindi Pagpayag

Pagbibigay-babala                      Panghihinayang                       Pagtanggap

Panghihikayat                             Pagsalungat




“ Ama mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan!”

1. _______________________________


“ Hindi dapat maiwan si Arlene, dapat kasama natin siya sa pagboto.”

2. _____________________________



“ Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon


3.________________________________


“ Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi naman ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.”


4.______________________________


“ O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng pananghalian natin .”


5._________________________________


“ Bahala na kayo sa anumang desisyon ninyo sa mga bagay na yan.”


6.______________________________

"Ang sampagitang ito ay para  mga ga-gradweyt lamang, isuot mo, huwag kang mahiya, bagay sa iyo ito”.


7.__________________________________   


“Talagang sumasang-ayon ako sa mga pahayag na inilalahad  niya”


8._______________________________


“ Ikinalulungkot ko , sumasalungat ako sa mga plano ninyo.

9.____________________________________ 



“  Sayang, kung hindi siya manalo sa pagkapangulo!”

10. ______________________________


Gawain 2:  

Panuto : Bumuo ng  tig- isang sariling pahayag sa mga sumusunod na paraan ng pagpapahayag na may kaugnayan sa Isyung ” Problemang Pangkalusugan sa Ating Bansa”.

1. Pagbibigay-babala

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


2, Paghihinayang

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________


3, Hindi pagpayag
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4, Pagtanggap
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5, Pag-aalinlangan
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________







 

 ACTIVITY SHEET  WEEK 7 ( IKATLONG MARKAHAN )
 PAGBABALIK-ARAL SA MGA POPULAR NA URI NG BABASAHIN
                                    

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

A. dagli B. magasin
C. komiks D. pahayagan

2. Ito ay bahagi ng pahayagan na kung saan mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya at komersyo.
        A. Anunsyo Klasipikado
        B. Balitang Komersyo
        C. Pangulong Tudling
        D. Balitang Panlalawigan

3. Ito ay bahagi ng pahayagan na makikita ang   pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahing balita.
A. Pangmukhang Balita
B. Balitang Pambansa
C. Balitang Panlalawigan        
D. Balitang Pampalakasan

4. Ito ang magasing tumatayo bilang  mapagkakatiwalaan at puno ng mga  impormasyon na nagiging instrumento upang  mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

A. Men’s Health B. FHM
C. T3 D. Entrepreneur

5. Ito ang magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga  pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.  
        A. Men’s Health B. FHM
C. T3 D. Entrepreneur

6.  Ito ang pahinang naglalaman ng mga balitang pampalakasan.

A. Libangan B. Obitwaryo
C. Isports D. Lathalain

7.  Ito ay babasahing naglalaman ng mga balita at impormasyon.

A. Dokumentaryo B. Pahayagan
C. Magasin D. Komiks

8. Ito ay isang midyum na makukulay na babasahin  na hitik sa iba’t ibang impormasyon.

A. Dokumentaryo B. Pahayagan
C. Magasin D. Komiks

9. Ito ay sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay 
      naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang  mga detalye ng palabas.

A. Sinematograpiya
B. Pananaliksik
C. Disenyong Pamproduksyon
D. Tunog at Musika

10. Ito ay ang pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukwento.

A. Sinematograpiya
B. Pananaliksik
C. Disenyong Pamproduksyon
D. Tunog at Musika

11. Ito at ang pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari  sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw a lente ng kamera.

A. Sinematograpiya
B. Pananaliksik
C. Disenyong Pamproduksyon
D. Tunog at Musika

12. Ito ay mga pamamaraan ng direktor kung paano patatakbuhin ang kwento sa telebisyon o pelikula.

A. Iskrip B. pagdidirehe
C. Tauhan D. Tagpuan

13. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsulatan ng  maikling salaysay.

  A. Pamagat
        B. Kuwadro
C. Kahon ng Salaysay
        D. Lobo ng Usapan

14. Ito ay bahagi ng komiks na naglalaman ng isang  tagpo o frame.

        A. Pamagat
        B. Kuwadro
        C. Kahon ng Salaysay
        D. Lobo ng Usapan

15. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsulatan ng mga usapan ng mga tauhan.

A. Pamagat
B. Kuwadro
C. Kahon ng Salaysay
D. Lobo ng Usapan



C. Tukuyin kung anong SHOT o VIEW ang sumusunod na mga larawan.



16._________________________                                   


 
17.__________________________
                          


  18.___________________________                                        


19.________________________________


    20.______________________________



 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento