Ang Panayam ay isang pakikipag-usap sa tao na may likas at malawak na
karanasan at kaalamang sa sariling larangan o disiplinang pinagkakadalubhasaan.
Nakasaad din dito ang tiyak na layunin kung saan nakukuha ng mga makabagong
impormasyon at kaalamang akademiko
Mga uri ng tanong na gagamitin sa Pakikipanayam.
1. Saradong tanong ay sumasagot lamang ng Oo or Hindi o may pamimilian o tiyak
ang kasagutan. Sa ganitong uri ng tanong, ang tagapanayam ay makakakuha ng
maraming impormasyon sa maikling panahon. Ganunpaman, hindi ito nagbibigay ng
pagkakataon sa taong kinakappanayam upang makapagbigay ng mga karagdagan
o boluntaryong impormasyon.
Halimbawa:
- “Ano naman po ang natapos ninyong kurso?”
- “Kaya mo bang magtrabaho kahit sa gabi?”
- “Saan po kayo nagtapos ng kurso?”
2. Bukas na tanong ay walang restriksyon. Ang taong kinakapanayam ay nabibigyan
ng higit na kalayaang sumagot sa mga tanong. Sa ganitong uri ng tanong,
natutuklasan ng tagapanayam ang pananaw, pagpapahalaga at layunin ng kaniyang
kinakapanayam.
Halimbawa:
- “Ano po ang masasabi ninyong pagpapahalaga
ng pamahalaan sa ating wikang pambansa?”
- “Gaano po kayo kahanda bilang punong Komisyoner ng
Komisyon sa Wikang Filipino?
- “Bilang guro sa asignaturang Filipino, ano po ang programang
maari po ninyong ilunsad kaugnay ng pagpapahalaga sa
wikang pambansa-Filipino?”
3. Primary questions ay ang mga tanong na inihanda bago pa man isigaw ang aktuwal
na pakikipanayam. Ang mga tanong na ito ay nagsisilbing pangunahing puntos sa
balangkas ng pakikipanayam. Ang primary ay maaaring sarado gaya ng:
Halimbawa:
- “Mahal mo ba ang wika mo?”
- “Nagpapahalaga ka ba sa wikang pambansa?”
- “Ano naman ang masasabi mo tungkol sa pagkalito ng kabataan ng paggamit ng wikang pambansa?”
- “Ano ang iyong pananaw sa ginawang
pagpapahalaga ng pamahalaan sa wikang
pambansa?”
4. Secondary questions ay mga tanong na ibinatay sa mga sagot ng
kinakapanayam. Ang mga tanong na ito ay binubuo ng nagpapanayam
habang nagpapatuloy siya sa pakikipanayam.
May ilang secondary questions na humihikayat sa kinakapanayam na
magpatuloy sa kaniyang pagsalita, tulad ng
- “Pagkatapos noong 1935, ano ang
nangyari sa wikang pambansa?”
- “Ano po ang ibig ninyong sabihin?”
- “Maari po
bang pakiulit sa sinasabi ninyo?”
- ”Paumanhin po, maari po bang humihingi ng
iba pang sagot bilang karagdagan?