Martes, Marso 23, 2021

Elemento ng Pelikula

                   

https://www.youtube.com/watch?v=9B16-pIIO1s


        Higit pa nito, dapat mong malaman na ang isang epektibong dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento:

Mga Elemento ng Pelikula

A. Sequence Iskrip 

     Pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento

B. Sinematograpiya

     Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manunuod ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera

C. Tunog at Musika

     Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manunuod


Iba pang mga Elemento


  • Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng

dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.

  • Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,

pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.

  • Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang

kuwento sa telebisyon o pelikula.

  • Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo

mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo
upang tayain kung alin ang hindi  na nararapat isama ngunit di makaaapekto
sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula. 






















































Linggo, Marso 21, 2021

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

 



Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera


  • Establishing /  Long ShotSa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

  • Medium Shot Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.
  • Close-Up Shot Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel. 
  • Extreme-Close Up Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha. 
  • High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim. 
  • Low Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. 
  • Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid.
  • Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.





























Sabado, Marso 20, 2021

Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan

            



https://www.youtube.com/watch?v=rB8fE7dljTo&t=39s\

    Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.

Bahagi na ito  ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o “pop culture”. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa kasalukuyan ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Sa ganito ring konsepto, umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong pamamaraan, estilo at anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng kabataang tulad mo. Kabilang na rito ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print media, broadcast media at ang paksang iyong matututuhan ngayon, ang Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing layunin ng Dokumentaryong Pampelikula  ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong   ekspresiyong biswal na nagtatampok ng  katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan. 

Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon at paggamit ng ICTInformation and Communication Technology upang lalo pang mapalaganap ang  ganitong mga akdang pampanitikan.


 Higit ka pang magkakaroon ng maraming kaalaman kung isasaalang-alang ang sumusunod na tanong


  1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito?


  1. Bakit maituturing na isang mabisang instrumento sa pag-unlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan ang mga dokumentaryong pampelikula?


  1. Paano magagamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag sa mabisang paghahatid ng mga saloobin at damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula?


Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga dokumentaryo at pelikula. Sa tinatawag nating panitikang popular  ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t tinawag itong “dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging  interesado sa   paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay nabubuhay sa modernong panahon na  laganap na ang mga modernong teknolohiya na naging bahagi na ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong  mahalagang tanong na magiging gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan?




Sabado, Marso 13, 2021

Ang Mga Gabay sa Pagpili ng Dokumentaryong Pantelebisyon



Isa ka ba sa mahilig manuod ng mga palabas? Mahilig ka ba manuod ng Reporters Notebook, Front Row o kaya'y IWitness?


         


Ang mga programang ito ang ang mga halimbawa ng mga Dokumentaryong Pantelebisyon.


Alam mo ba ang mga i-ilang gabay sa pagpili at pagsagawa ng  ng Dokumentarong Pantelebisyon? Tunghayan ang mga sumusunod na slides at video slides para malaman ang mga gabay na ito.
 
 
https://www.youtube.com/watch?v=rB8fE7dljTo
Para sa iba pang mga videos. Bisitahin ang Youtube Channel na Gemmazingly Creatives