Miyerkules, Marso 3, 2021

Konsepto ng Pananaw

               



Katotohanan o Opinyon



 
        Sa isang programang panradyo, ang mga mamamahayag ay kadalasang naghahatid ng mga mensaheng naaayon sa kanilang sari-sariling mga ideya o opinyon hinggil sa isang natatanging paksa. Narito ang ilan sa mga konsepto ng pananaw upang mabilis matukoy ng mga tagapakinig kung ano ang mga makatotohanan o mga mensaheng ayon lamang sa kanilang sariling opinyon ng mga mamamahayag.

        Ang Katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.

        Ang Opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.

        Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:

KATOTOHANAN batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa...

Halimbawa:

1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of-school youth..

2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti- unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.


OPINYONsa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin...

           

         Halimbawa:

      1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.

       2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento