Miyerkules, Marso 3, 2021

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

     Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo ang iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media.

    Sa bahaging ito, bigyan muna natin ng pansin ang radyo   bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng   mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Matutuklasan mo ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan. 


    Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap panitikang popular?




    

Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang Freedom of Information Bill” bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat.




KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer:  Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong 

            pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at

                 Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky:     Magandang umaga partner!

Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang

                    Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.

Macky:     Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay

                     Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga 

                     politiko na  ipasa iyan kahit pa nakapikit !

Roel: Sinabi mo pa, partner!

Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?

Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito

                eh bibigyan  ng kalayaan ang publiko na makita at masuri

                ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga

tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito,

isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!

Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t

dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong                  

‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan 

                    sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.


Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil 

                    magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang  

                 mga corrupt na opisyal.

Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative 

                    LorenzoTaƱada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-

                 Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.

Roel: Naku! Naloko na!



Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay 

at Maricar Francia mula sa:   

http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/







Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang  pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.








Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon.

Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.

Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa.


Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan?


Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat  mamamayan.


Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng  pinanonood na mga programa sa telebisyon.



Dokumentaryong  Pantelebisyon  Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.




Kung nais matuto kung paano humarap sa tao o sa madla na hindi ka natatakot o nahihiyamaari kang bumisita sa blog na ito https://speakandilisten.blogspot.com/






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento