Sabado, Marso 20, 2021

Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan

            



https://www.youtube.com/watch?v=rB8fE7dljTo&t=39s\

    Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.

Bahagi na ito  ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o “pop culture”. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa kasalukuyan ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Sa ganito ring konsepto, umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong pamamaraan, estilo at anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng kabataang tulad mo. Kabilang na rito ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print media, broadcast media at ang paksang iyong matututuhan ngayon, ang Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing layunin ng Dokumentaryong Pampelikula  ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong   ekspresiyong biswal na nagtatampok ng  katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan. 

Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon at paggamit ng ICTInformation and Communication Technology upang lalo pang mapalaganap ang  ganitong mga akdang pampanitikan.


 Higit ka pang magkakaroon ng maraming kaalaman kung isasaalang-alang ang sumusunod na tanong


  1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito?


  1. Bakit maituturing na isang mabisang instrumento sa pag-unlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan ang mga dokumentaryong pampelikula?


  1. Paano magagamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag sa mabisang paghahatid ng mga saloobin at damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula?


Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga dokumentaryo at pelikula. Sa tinatawag nating panitikang popular  ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t tinawag itong “dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging  interesado sa   paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay nabubuhay sa modernong panahon na  laganap na ang mga modernong teknolohiya na naging bahagi na ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong  mahalagang tanong na magiging gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento